UP student, nakatanggap ng uno sa thesis na tungkol kay Regine Velasquez
March 14, 2023
Kamakailan ay nag-viral ang isang estudyante mula sa University of the Philippines matapos niyang gawing thesis subject ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Nagkita si Waxee R. Galang sa meet-and-greet ng nasabing singer at pinakita nito ang kopya ng kanyang thesis na talaga namang kinatuwa ni Regine.
Sa sobrang tuwa ay in-autograph-an pa ito ng Songbird at in-upload sa kanyang page noong February 8, 2023 na talaga namang umani ng iba’t ibang kumento at engagement.
Naging inspirasyon ang Asia’s Songbird ni Waxee dahil malaking tulong ang naturang singer sa buhay ni Waxee at ng iba pa niyang kapwa LGBTQIA++.
Lalong nabuo ang pagiging solid Reginian fan ni Waxee nang magkamit ito ng gradong uno matapos niya itong i-defend. Mula sa pagbuo hanggang sa pag-present ay talaga namang tagumpay si Waxee!
Related Content
-
Tanya Chinita, may 800K followers na sa Facebook
March 24, 2023
-
Doktor, trending dahil sa maganda niyang sulat sa reseta
March 23, 2023
-
Nicole Hyala, DJ sa umaga, concert queen sa hapon
March 22, 2023
Comments