Top 5 Pinoy Karaoke Hits na may bagong bersyon ngayong 2023

January 19, 2023

Kung mahilig ka sa videoke ay siguradong mafi-feel good ka sa mga kantang sumisikat ngayon sa Facebook at TikTok!

Likas sa mga Pilipino ang hilig sa pagkanta. Kahit anong okasyon, hindi makukumpleto ‘yan kung walang videoke! Pero mas naging fun ang videoke simula nang minsan ay may kumalat sa social media na kakaibang version ng isang kanta. Aliw na aliw naman ang netizens sa mga kantang ito, at hindi maitatangging nakaka-LSS naman talaga! Hahaha! Matapos ang pagiging viral nito ay sunod-sunod nan gang lumabas ang iba’t-ibang kanta na may kanya-kanyang bersyon!

Kaya naman inipon namin ang limang pinakasikat na bagong bersyon ng videoke hits sa Pilipinas para sabay-sabay tayong ma-LSS ng isang buong linggo! HAHAHA! Ang lagay ba eh kami lang? Damay-damay na ‘to, Kabisyo!

1.  Hotel California

@viennayenyen NEW VERSION OF HOTEL CALIFORNIA..DAMI KONG TAWA NITO 🤣🤣#vienna #tiktokphilippines🇵🇭😉😊🥰 #pubgmjinx #fypシ #tiktokphilippines🇵🇭 #GBirthday #certifiedbisayatiktoker #foryoupage #foryou #cebu ♬ original sound – yenyen

Una sa listahan ang kantang Hotel California ng bandang Eagles. Kahit luma na ang kantang ito ay bentang-benta pa rin ito sa mga Tatay sa videoke. Kaya naman super aliw ng netizens nang kumalat ang video ni Kuya! Pero ‘yung totoo, saan muna ‘yung Hotel ‘Californya?’ HAHAHA!

2.  Jopay 

@dongvinsoy JOPAY NEW VERSION WITH SONGBOOK BWHAHAHAH #justforfun #comedyvideo #comedу #foryourpage #tiktokphilippines🇵🇭 #viralvideo ♬ original sound – Dong Vinsoy

Pangalawa sa listahan ay ang kanta ng Mayonnaise noong 2004 na muling sumikat sa TikTok nitong 2022. Dahil nga sa pagiging popular ng kanta ay madalas itong nakakanta sa videoke. Pero itong Koya naman natin dito ang pinakamalupit sa lahat ng kumanta ng kantang Jopay! Feeling namin, may lahi si Kuya! Iba ‘yung accent eh! HAHAHA!

3. Bulaklak

@urhavennoon Natawa nmn ako sa version ni Ate . #bulaklak #viralvideo #fyp #tiktok #viral #tiktokviral #fypシ #irene ♬ original sound – urHaven

Katulad ng Jopay, ang kantang ‘Bulaklak’ ay pinasikat ng girl group na Viva Hot Babes noong 2004. Isa rin ang kantang ito sa mga madalas nating naririnig sa videoke dahil nakaka-LSS naman talaga ang tono nito! Pero ‘wag ka, parang mas nakaka-LSS ang bersyon na ginawa ni Ate sa kantang ito! Grabe, ang bango-bango ng bulak…lak! HAHAHA!

4. Totoy Bibo

@glaiden.cbctln Replying to @ynnol1912 Ayan na po yung request ko hihihihi #totoybibo #vhongnavarro #bisaya #videoke #fyp @Marlou Valde ♬ original sound – PawLa

Kung Batang ‘90s ka, siguradong nasayaw mo ang kantang ito sa Christmas Party niyo, o kaya naman bilang intermission number sa school program ninyo! Pero ang Ate mong Angela, may sariling version! Hindi kaya magkalahi sila ni Kuya na kumakanta ng Jopay? Parang parehas ng accent eh! HAHAHA!

5. Diamond

@emsaclolo💎😘🥰🥰 karaoke with me…daiamonds by rehanna♬ original sound – emelette

At ang huli naman sa listahan natin ay ang kantang Diamond ni Rihanna na ngayon ay nagkaro’n na rin pala ng sarili niyang version! Hindi kami sure, pero habang patagal nang patagal eh tumitindi ang accent ng mga Kabisyo nating adik sa videoke! Gaya na lang ng accent ni ate nang sinabi niya ang linyang, “Shine bright like a daya-mond!” HAHAHA!

Weird man pakinggan, pero ‘wag ka nang mag-deny! For sure, LSS ka rin sa mga version na ‘to katulad namin! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.