Robin Sienna at Chris Tsuper, tinatamad na raw

September 21, 2022

Kung si Nicole Hyala, akala mo laging may catwalk na rarampahan kung manamit, “comfort over style” naman ang eksena nila Robin Sienna at Chris Tsuper sa kanilang OOTD. Matchy-matchy ang dalawa sa all-nude at all-black na get-up.

P’wede rin namang palusot lang ‘to ni Robin Sienna kasi sweater na lang ang nagpapa-init sa kaniya ngayong cuddle weather. Awit! Hindi lang tayo sure kay Chris Tsuper kung suma-sideline ba itong gym instructor o PE teacher. HAHAHA!

Pero aminin mo, Kabisyo! Nakaka-stress naman kasi talaga mag-isip ng susuotin sa araw-araw na pagpasok. Kaya kung ano na lang ang madampot sa damitan, “p’wede na ‘yan!”

Gano’n pa man, hindi maitatago ang lakas ng dating ng pinakamagandang probinsyana at ng Kambyo King. Tinatamad pa raw sila sa lagay na ‘yan, paano pa kaya kapag pinaghandaan? HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.