Retired Pisay teacher, nagtuturo sa mga bata sa kalsada

March 17, 2023

 Sino ba namang hindi ma-fI-Feel Good sa kagandahang loob ng isang retired teacher ng Philippine Science Highschool (PSHS) na si Lolo Delfin Angeles mula sa Quezon City?

Nagtuturo si Lolo Delfin sa mga bata sa kanilang barangay kahit na ito’y retired na noong 2021 pa. Ang kalsada ang kanilang nagsisilbing classroom. Mula sa pagiging Lolo Delfin, ngayon ay Teacher Delfin na ang tawag sa kaniya ng mga bata.

Nagsimula ang pagtuturo na ito ni Lolo Delfin nang minsan ay nagdidilig siya ng halaman at may lumapit sa kanyang bata tungkol sa kung anong halaman ang kanyang dinidiligan.

Mula noon ay araw-araw nang pumapasok ang mga bata at humihingi lang si Lolo Delfin ng mga lumang school supplies para may gamit ang kanyang mga estudyante.

Naniniwala si Lolo Delfin na ang pagtuturo ay walang katapusan.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.