aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Raqi Terra, may nakakalurkei na life update

May 1, 2023

Life update. Wala po muna tayong SF por today’s radyow. Nadulas ako sa ramp ng sidewalk na hindi naman masyadong…

Posted by Raqi Terra on Sunday, April 30, 2023

Ito ang life update na talaga namang walang halong charot with harot!

Maraming nangamba sa naging life update ni Raqi Terra sa kanyang social media accounts noong Linggo, April 30.

Ayon sa kanya, eh, na-fall siya sa maling tao, este, na-fall siya sa rampa at naitukod niya ang kanyang kaliwang tuhod. Dahil dito ay nagtamo si Raqi ng avulsion fracture, closed, complete, displaced, extraarticular, left patella. Basta kung ano man ‘yan, eh, get well soon na lang sa Basa Princess! Charot! Dahil sa pagkakalaglag niya, eh, nabasag ang kanyang tuhod dahilan para siya ay makaramdam ng matinding sakit.

But kidding aside, Kabisyo, sa kabila ng aksidente ay talaga namang damang dama ni Raqi Terra ang pagmamahal sa kanya ng kaniyang pamilya, kaibigan, at ng lahat ng Kabisyo na nagbigay ng mensahe ukol sa kanyang paggaling.

Sa ngayon ay kailangan pa magpagaling ni Basa Princess at maghanda sa paparating na surgery para sa tuluyan niyang recovery.

Kabisyo, kung may mensahe ka sa ating Basa Princess, eh, i-comment mo na ‘yan dali!

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.