Provincial Stations ng Love Radio, namayagpag sa number 1 spot sa ratings!

July 16, 2021

 

Salamat, Kabisyo! You made us the official #1 radio station in Tacloban once again!

Posted by Love Radio Tacloban on Thursday, July 1, 2021

 

Kabisyo! Magandang balita! Hindi lang dito sa Mega Manila namamayagpag ang Love Radio pati na rin sa mga probinsya.

Nito lamang mga nakaraang linggo ay naglabas ng mga resulta ng mga local surveys ang Nielsen at Kantar parang sa Quarter 2 ng 2021.

Lumabas sa resulta na ang Love Radio Butuan sa Mindanao, Love Radio Lucena dito sa Luzon, at Love Radio Tacloban sa Visayas, ay pare-parehong number one sa kanilang mga lugar. Buong Pilipinas, ‘di ba? Bonggacious!

“Grabe kayo mga labs! Napaos kami kakapalirit sa tuwa. Payakap naman o! Maraming maraming salamat po!❤️😊🙏🏻 Para sa yo ‘to!” Sabi ng mga taga-Love Radio Lucena.

Maraming salamat sa suporta, mga Kabisyo!

Photo Credit: Love Radio Butuan

Photo Credit: Love Radio Lucena

Photo Credit: Love Radio Tacloban

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.