Pinay teenager na na-bash noon, ‘luxury brand’ ambassadress na ngayon
March 9, 2023
View this post on Instagram
Blessing in disguise na maituturing ang naranasang bashing noon ng 17-year-old Filipina teenanger na si Zoe Gabriel.
Nag-viral noong January 2023 si Zoe dahil tinawag niyang “luxury” ang tote bag na binili niya sa halagang 80 Singaporean dollars o US$60 o Php 3,360.
@zohtacothank you dad 🥹♬ Glitch – Just audios
Ito raw ang una niyang luxury bag na regalo pa sa kaniya ng ama, pero minaliit siya ng ibang netizens dahil hindi raw ito ka-level ng high-end brands na karaniwang ginagamit ng mga artista.
Naiiyak niyang ipinaliwanag sa bashers na hindi man maituturing na luxury ng karamihan ang isang $80 bag, pero malaking bagay ito sa kaniyang hindi lumaki sa karangyaan. Nagpasalamat din siya sa kaniyang ama na pinaghirapan ang perang ipinambili ng nasabing bag.
@zohtaco Replying to @cressy ♬ original sound – zoe 🦋
Dahil naman sa pangyayari, niregaluhan siya ng Charles & Keith ng dalawang personalized iconic Gabine bags. Nakasama rin siya sa isang lunch at tour sa headquarters ng kumpanya.
@zohtaco @CHARLES & KEITH #charleskeith #imwithcharleskeith ♬ thenineteenseventyfive – push baby
At ngayon, bahagi na siya ng campaign ng Charles & Keith sa paglulunsad nito ng purple Alia bag bilang suporta sa UN Women’s Storytelling for Gender Equality program kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Day noong March 8.
Naka-inspire ang kuwento mo, Kabisyo, Zoe Gabriel!
#FeelGoodStories
Related Content
-
Tanya Chinita, may 800K followers na sa Facebook
March 24, 2023
-
Doktor, trending dahil sa maganda niyang sulat sa reseta
March 23, 2023
-
Nicole Hyala, DJ sa umaga, concert queen sa hapon
March 22, 2023
Comments