Nicole Hyala at Jowadik, literal na nag-outdoor dining sa labas ng bahay!

August 9, 2021

Literal na kumain kami sa LABAS. Hehehe. Thank you Lord for today.

#PapamFam
#PapamFam2021

Posted by Nicole Hyala on Sunday, August 1, 2021

Kabisyo, totoo naman ‘di ba? Nitong nagsimula ang COVID-19 pandemic, medyo naging limitado ang ating buhay lalo na sa labas ng bahay. Hindi pwedeng dikit-dikit, hindi rin pwedeng kumain nang sabay sabay at magkakasama lalo na kapag nasa loob ka ng mall o ng restaurant.

Nauso ngayon ang ‘al fresco’ o ‘yung tinatawag na outdoor dining. Ngayong kaliwa’t kanan na naman ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ, bawal na ulit ang indoor dining, kaya naman si Nicole Hyala at ang kanyang hubby na si Jowadik ay literal na kumain sa labas!

Dala dala nila ang buong dining at kusina nila sa bahay at nagluto at kumain sila sa labas ng kanilang bakuran. Saan ka pa!

So baka isa ka naman sa mga pinagpala na mayroong bakuran ang bahay, bakit hindi mo ito i-try, Kabisyo?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.