Nicole Hyala, DJ sa umaga, concert queen sa hapon
March 22, 2023
@dj_nicolehyalaMahal Kita Kasi. OG. 🙂
Noong nagsabog yata ang langit ng talent, eh, gising na gising ni Nicole Hyala kaya naman ay nasalo niya ito lahat!
Kamakailan nga ay nagpakitang gilas ang ating Love Radio DJs sa Love Jam, ang mini-fundraising jamming event nila na ginawa para sa tatay ni Tanya Chinita na si Tatay Egong.
Makikita sa video na talaga namang feel na feel ng Reyna ng Radyo ang kanyang set. Inawit niya rito ang ‘Mahal Kita Kasi’ na orihinal na kinanta ng Tambalan.
Bukod rito, hindi rin nagpapigil si Nicole at pumangalawa pang solo performance! Kinanta niya with matching dance steps ang “Rhythm of the Night.” Tinapos ng Love Radio DJs ang unang set nila ng “Next In Line.” Bakas na bakas ang saya sa mukha ng Love Radio DJs habang sabay-sabay na nagkakantahan.
Kung nais niyo pang magpa-abot ng tulong ay mag-send lamang sa GCash at bank ni Tanya Chinita:
GCash: 09163495065
Metrobank: Ilyn Pakingan: 640-3-640-214-326
Related Content
-
Totoy Bato, may hamon kay Angkol Dagol
June 9, 2023
-
Raqi Terra, mag-che-change career na nga ba?
June 8, 2023
-
Nicole Hyala, nahuling nag-e-emote sa damuhan
June 8, 2023
Comments