Nalurkei si Nicole Hyala sa wish ni Princess!

August 19, 2021

Hindi ko kaya ang wish ni Princess! Hindi na ata kaya ng katawang-lupa kong kwarentahin. Hahahaha. At di lang isa, dalawang dagdag na kapatid ang gusto!!! Nakakalurkei!!!

Posted by Nicole Hyala on Tuesday, August 10, 2021

Marami naman talagang wish ang mga bata, ‘di ba mga Kabisyo? Madalas, gusto nila ng chocolate, candy, ng laruan, at ng kung anu-ano pa! Mauubusan ka talaga ng kwarta pati na rin ng energy.

Pero mas mauubusan talaga ng energy si Nicole Hyala sa bagong wish ni Princess sa kanya. Gusto pa raw ni Princess ng isa pang baby brother at ng isa pang baby sister. Whooooo!

Mukhang ‘di lang na-pressure si Nicole Hyala, mukhang nalurkei din siya! Ang tanong eh, kaya pa ba?

Dahil hindi na niya ma-decode ang mga narinig niya, ipinasa ni Nicole Hyala ang mga request ng anak sa asawa niyang si Jowadik. Alamin ang sagot niya dito.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.