Mga nakakalurkei na kaganapan ng taong 2021, muli nating babalikan!

Sponsored Content

December 31, 2021

Isang taon na naman ang lumipas, Kabisyo! Isang taon na naman ang dumaan. Maraming nangyaring maganda at hindi maganda. Maraming umiyak, marami ring tumawa. Marami ang akala mo eh susuko na, pero mas marami ang nagkaro’n ng pag-asa. Bongga, ‘di ba?

Simula nang magkaroon ng pandemya, maraming lugar ang nagsara at maraming bagay ang hindi na natin magawa. Pero ngayong taon, hindi natin maikakaila na kahit papaano ay unti-unti na rin tayong bumabalik sa dati. Maraming nagbubukas na at unti-unti ay nabubuhay ang pag-asa. Ngunit kailangan pa rin natin sumunod sa health and safety protocols, Kabisyo. Siyempre, hindi pa rin tayo dapat makapante lalo pa’t may bagong variant ng covid at tumataas na ulit ang cases dito sa atin.

Pero ang pagbubukas na ito ang ilan sa mga senyales na nananalo na tayo sa laban na ‘to. Dahil diyan, gusto naming isama kayo sa pagbabalik-tanaw sa ilan sa mga bonggacious na kaganapan ngayong 2021.

Unang-una na riyan ang Winning Moments natin kung saan nagpamalas ng angking galing ang mga Pinoy sa labas ng ating bansa. Ito ‘yung mga pagkakataong mapapa-sabi ka na lang ng “Kalurkei! Ang galing ng Pinoy! Nakaka-feel good! Tara! Beer call na!”

Talaga nga namang napakahuhusay ng mga Pilipino, mapa-olympics man ‘yan, beauty pageant o mobile games. Maging sa larangan ng pagsulat at pag-arte, talagang hindi magpapa-kabog ang mga Pinoy!

At dahil nga halos isang taon din tayong naka-quarantine, marami ang natuwa sa unti-unting pagbubukas ng tourist attractions sa ‘Pinas ngayong taon. Kaya naman pasok din sa ating listahan ang ilan sa mga lugar na dinayo ng mga Pinoy ngayong 2021.

Ramdam na ramdam ng lahat ang pananabik na maka-gala at makapag-relax pagkatapos ng halos isang taong pananatili sa bahay. Sino ba namang hindi makaka-miss sa white sand beach ng Boracay, super chill at relaxing na buhay isla sa Siargao o ang fantabulous view sa palawan na talaga nga namang nakaka-feel good! Maging ang Bulalo ng Tagaytay ay talagang na-miss ng madla. At siyempre, isa rin sa pinakatumatak ngayong 2021 ang pagakyat ng Baguio…as a friend! Hahaha!

Speaking of friend, isa rin sa talagang na-miss ng lahat ay ang makipag-bonding sa buong barkada! Ngayong 2021, hindi na naging problema ‘yan! Bukod sa inuman, pumatok din talaga ang e-numan o ang online inuman! At siyempre, mawawala ba naman ang soundtrip diyan? Heto naman ang listahan ng mga kantang hindi mawawala sa kada e-numan o call-i-tan session ng buong tropa!

Aminin, Kabisyo! Isa ka sa mga gumasgas ng replay button ng mga kantang ‘yan! Masaya talagang makipag-bonding sa buong tropa, lalo na kung may kasamang kantahan!

Pinag-uusapan na rin naman natin ang saya, aba! Ito pa ang isang masaya! Dahil bukod sa pagpunta sa mga nabanggit naming tourist attraction kanina, ramdam na ramdam din natin ang pag-asa dahil sa mga kaganapang unti-unti na ring bumabalik pagkalipas ng higit na dalawang taong pandemya!

“Bukas na!” Aakalain mo bang magbibigay ng matinding saya sa puso mo ang dalawang salitang ‘yan?

Bukas na ang theme parks, bukas na ang simbahan, bukas na ang sinehan, bukas na ang malls at bukas na rin ang mga lugar na pwedeng pagdausan ng parties! Hay! Nakakatuwang isipin na sama-sama tayong bumangon at nagdiwang sa kabila ng lahat ng ating mga naranasan.

‘Yun naman talaga ang nakakatuwa sa ating mga Pinoy, Kabisyo. Sama-sama tayo sa lahat ng bagay! Ang pighati ng isa, ay pighati ng lahat. At ang tagumpay ng isa ay tagumpay rin ng lahat! Kaya ibang klase rin talaga ang pakiramdam na makita ang kapwa nating Pinoy na namamayagpag at bumibida sa ibang bansa, gaya na lang ng mga kababayan nating ito na pinag-usapan sa bawat e-numan!

Sino nga bang hindi namangha nang malaman na humataw ang Pinoy Designers sa nakaraang Miss Universe? Alam niyo ba na ang sinuot ni Ms. Nigeria na nanalong Best in National costume ay dinesign ng isang Pinoy? Sino nga bang hindi napanganga nang sunod-sunod na ma-feature sa Times Square Billboard ang ating mga OPM Artists? Sino nga bang hindi nag-abang sa paglabas ng isang kababayan natin sa isang sikat na K-Dramang Squid Game? Bonggacious, ‘di ba? Biruin mo, Pinoy rin ang kauna-unahang inawardan bilang International Community Nurse sa UK. Hindi lang ‘yan, dahil sa dalawang dumaan na international mobile game tournament ngayong 2021, parehas na Pinoy Teams ang naglaban sa Championship! ‘Di ba? Mapapabilib ka talaga sa Pinoy eh! Isa ‘tong patunay na tayong mga Pilipino ay talagang malalakas, nakakabilib at hindi kailanman nagpapatalo sa mga dagok ng buhay!

Kaya Kabisyo, kung ikaw man ay may pinagdadaanan ngayon, huwag kang mag-alala dahil makakabangon ka rin diyan. Huwag kang mawawalan ng pag-asa at isipin mo na lang na ang lahat ng pangyayari ay may dahilan at siguradong ikaw ay may matututunan! Sa pagbubukas ng bagong taon, siguradong maraming naghihintay na rason para bumangon, tumawa at maging masaya! At sa lahat ng pagkakataon, siguradong palagi mong makakasama ang San Miguel Beer at Love Radio Manila! Dahil ang pagsasama natin, samahang walang katulad!

Happy New Year, Kabisyo!

In Partnership With San Miguel Beer

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.