Maki-byahe kay Lala Banderas sa IG Takeover ng Love Radio Manila

June 4, 2021

Sa pagpapatuloy ng Instagram Takeover ng mga DJs sa Love Radio Manila Instagrama account, mukhang matagal mo siyang inabangan. Ang makakasama mo sa susunod na linggo ay si DJ Lala Banderas!

Mula June 7 hanggang June 13, maki-byahe ka kay Lala Banderas. Malamang marami siyang pasabog sa’yo. Kung mayroon kang kwentong pag-ibig, baka matulungan ka niya. Kung mayroon kang sabit sa pamilya, malamang may advice ‘yan sa iyo. Kung mayroong gumugulo sa’yo, baka may words of wisdom siya na maihatid sa’yo.

Pero bukod sa seryosohan at usapang buhay, mapupuno rin naman ng kwela at katatawanan ang Instagram ng Love Radio Manila dahil kay Lala Banderas kaya naman abangan mo ‘yan Kabisyo! At ‘wag mong kalimutan na i-follow kami sa Instagram @loveradiomanila .

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.