Maja Kubrador, LOVEan na LOVEan sa national television

September 16, 2022

Mula sa Beki Nemen: The Search for Kween Pa-LOVEan, sa isang gay pageant ng kilalang noontime variety show naman sumabak si Maja Kubrador.

As usual, agaw-eksena pa rin ang “smile” ng nag-iisang Kween Pa-LOVEan. Sabi nga niya, kahit dalawa na lang ang ngipin ay bumabaon pa rin. 🤓

Pero in fairness, wala talagang kupas ang ate niyo pagdating sa question & answer. Hindi man biniyayaan ng kagandahan ay nag-uumapaw naman sa katalinuhan. (Tanggapin mo na, Maja! HAHAHA) Kahit medyo nakakalito ang tanong ay nailusot pa rin ito ng beki! Pati si Meme Vice Ganda napahanga niya. Ibang level ‘yun ah!

Proud na proud ang sangkabekihan sa bonggacious na achievement ni Maja Kubrador. Sana kilala pa rin kami nito kahit sikat na siya. HAHAHA! Gorabels, Maja! Tuloy lang sa pag-kubra ng maraming korona! 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.