Mag-Fan Scan na at manalo ng 2,500 araw-araw!

May 27, 2022

Kabisyo, inupgrade namin ang dapat mong abangan araw- araw sa Love Radio!

Mag-abang at sumali lagi sa Fan Scan ng Love Radio!

Ang mga paborito mong DJs, mula kay Tanya Chinita sa umaga, Nicole Hyala at Chris Tsuper, Robin Sienna, Raqi Terra, Diego Bandido at Totoy Bato, hanggang kay Lala Banderas sa gabi, ay magbibigay ng mga tanong sa’yo kanilang mga on air programs. Maaari mo ring abangan ang mga tanong na ‘yan online.

Maaari mong ma-scan ang QR code sa mga Love Radio merch katulad ng mga calendar at mug. Sa pag-scan mo ng QR code, doon mo makikita ang venue kung saan sasagutin ang tanong ng DJ.

Pinaka-maswerte ang isang mananalo ng PhP 2,500.00 kada araw mula Lunes hanggang Huwebes!

Pero siyempre, Kabisyo, hindi ito pwedeng mawalan ng thrill! Abangan lamang ang announcement ng winners on air at online sa programa ni DJ Lala Banderas.

Bonggacious ‘di ba?! So, ano pang hinihintay mo, Kabisyo?! Tutok na dito sa amin sa Love Radio Manila at maki-Fan Scan na!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.