Love Radio at tatlong Kabisyong DJs, nominado sa 4th VP Choice Awards

January 23, 2023

Isa na namang #FeelGood news ang sumalubong sa atin sa unang araw ng taon!

Alam niyo bang nominado ang 90.7 Love Radio Manila bilang FM Radio Station of the Year sa 4th VP Choice Awards?

Ang VP Choice Awards ay isang award-giving body, na kumikilala sa Biggest and Brightest sa larangan ng Travel, Lifestyle, Technology, at Entertainment.

Patunay lang ito sa paghahatid ng Love Radio ng #FeelGood tugtugan at kuwentuhan to the maximum level sa mga Kabisyo!

Hindi lang ‘yan, magkatapat din sina Tanya Chinita at Raqi Terra sa Female Radio DJ of the Year! Masyado niyo kasing ginalingan ang pagtangkilik sa MNTN at Raqi’s Secret Files. Ipagpatuloy niyo ‘yan!

S’yempre, pupuwede ba namang wala tayong pambato sa Male Radio DJ of the Year? Si Chris Tsuper na ang bahalang lumaban para sa atin!

Magsisimula ang botohan sa February 10 at magtatapos naman ito sa March 10, 2023. 30% ng mga boto ay magmumula sa Facebook shares.

Aasahan namin ang suporta niyo sa 4th VP Choice Awards, Kabisyo, ha? 😉

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.