LOVE RADIO PARTY-P4RTY6: Winner sa performances, winner sa pa-premyo!

February 12, 2021

#LovePartyP4rty6 | February 12, 2021 PART 3

Malapit-lapit na tayo sa ating grand prizes! Tutok lang dito sa #LovePartyP4rty6! 😱💕

Posted by Love Radio Manila on Friday, February 12, 2021

Sa 46th Anniversary Online Concert ng 90.7 Love Radio, hindi ito nagpahuli sa kaliwa’t kanang performances ng paborito mong artists at limpak-limpak na pa-premyo!

Napuno ng excitement ang Biyernes ng gabi ng mga Kabisyo dahil simula pa lamang ay pasabog na. Napanood ang pagpapasiklab sa TikTok ng mga DJs ng Love Radio Manila.

Intro pa lang ay excitement na ang hatid ni DJ Raqi Terra. Sinundan ‘yan ng mga nakakalurkei na games tulad ng “Mahiwagang Tanong” na hatid nila Nicole Hyala at Chris Tsuper. Mas pinabongga ang laro sa “KanTanong” na ibinida ng Team MNTN, Tanya Chinita at DJ Laboching. Siyempre, hindi nagpahuli sa “Mahiwagang Kahon” si DJ Robin Sienna at sa kanyang “Number Game” si Lala Banderas. Nagpasiklab din sa laruan ang Team EDSA, Diego Bandido at Totoy Bato, sa kanilang “Kanto Tanungan,” at si Raqi Terra sa kanyang “Guess the Year.”

Mas pinabongga ang mga games sa PhP 500.00 na prizes para sa 46 na lucky winners at raffle draw sa bawat segment ng mga DJs.

Bukod sa mga games at cash prizes, pasabog din ang mga performances ng mga paboritong artists ng mga Kabisyo!

#LovePartyP4rty6 | February 12, 2021 PART 2

Nabitin ka ba sa unang FB Live natin? Tuloy-tuloy pa rin ang pa-party at pamimigay natin ng surpresa sa #LovePartyP4rty6! 😃💕

Posted by Love Radio Manila on Friday, February 12, 2021

Simula pa lamang ng Party Party ay “G na G” na si Zsara sa kanyang dance performance. Kantahan to the max naman ang hatid ng Sud at ni Christian Bautista. Pang-pa-hype na rakrakan naman ang hatid ng mga bandang Sponge Cola at Rocksteddy. ‘Di rin nagpahuli ang mga artists dahil hindi lang performance ang hatid nila, may bonus pang short interviews para alam ng mga Kabisyo ang latest sa kanila.

Siyempre dahil ito ay anniversary party party, dapat bonggacious din ang grand prizes kaya naman hatid din sa mga lucky winners ang isang Whirlpool Fully Automatic Washing Machine at isang Whirlpool Air Purifier worth PhP 30,000!

Dahil special kayo mga Kabisyo, ganitong klaseng pasasalamat ang hatid ng 90.7 Love Radio para sa patuloy ninyong suporta at pagmamahal sa loob ng 46 years! Cheers!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.