Love Radio Manila DJs sinuot ang kanilang Radio Names para sa #FeelGoodChallenge!

August 2, 2022

@loveradiomanila #feelgoodchallenge #wearyourdjname #fyp #fypシ ♬ Open For Business – Lee Baker

Para sa kanilang #FeelGoodChallenge, iba’t-ibang get up ang ginawa ng ating Love Radio DJs. Ang tema ng mga outfit ay ang kani-kanilang mga radio names! Katulad ni DJ Lala Banderas, sandamakmak na labada ang hawak habang super raket naman si Raqi Terra! Sideline lang talaga nila ang pagiging Radio DJ, mga Kabisyo. Si Totoy Bato naman ay parang boksingero, tatakbo naman kapag pinalagan. Charot! Hahahaha! Samantalang si Diego Bandido naman mukhang hindi bandido, gitara na lang ang kulang at kakanta na ‘yan ng ‘Anak.’ Si Nicole Hyala mukhang ready na sa F2F class tapos si Chris Tsuper ‘yung sasakyan niyang jeep tapos ang bagal magpatakbo. Si Tanya Chinita at Kadyot naman ay effortless lang ang costume dahil mukha na mismo nila ang nasa pangalan. At panghuli, lumuwas pa si DJ Robin Sienna para lang magpakitang gilas sa ating Feel Good Challenge.

Ano na naman kayang pakulo ang susunod nilang gagawin? Abangan!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.