Love Radio DJs, napasabak sa English-an

November 23, 2022

Hey, Vicemates! Ano raw?! HAHAHA!

Sa pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang Love Radio DJs mula umaga hanggang hatinggabi!

Ayon sa post ni Raqi Terra, may ka-midnight conversation silang Afam! Naku, sino kaya ‘yan? Nag-si-screening kaya sila ng susunod niyang jowa? Charot with harot!

Basta kami, wala kaming naintindihan sa mga pinagsasasabi nila. Ang mahalaga, naitawid nila nang walang nagdurugong ilong. Proud na kami ro’n!

Parang mas okay pala ‘pag naging English-only zone ang opisina dahil medyo nababawasan ang ingay nila. Sa tingin mo Kabisyo, sino ang p’wedeng ipadala sa Easy Rock Manila? Eme!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.