Love Radio DJs, nalurkei din sa matinding ashfall!

January 13, 2020

Well, legit naman talaga mga Kabisyo na merong mga Love Radio DJs ang nakatira sa South! Kaya naman kanya kanya sila ng share ng experiences nila sa nangyaring ashfall kahapon hanggang gabi dahil sa Taal Volcano eruption.

Si Diego Bandido na taga-Imus ay nalurkei sa hitsura ng kanyang sasakyan makalipas ang magdamag.

Pero iba naman ang issue ni Totoy Bato. HAHAHA! Buong buhay niya daw, ang akala niya, ‘yung isang bundok ang crater ng bulkang Taal, ‘yun palang mas mababa.

Kitang kita naman sa IG story ni Tanya Chinita ang matinding usok na natatanaw niya sa Bacoor, Cavite.

Bukod naman sa mga sasakyang natakpan ng abo sa kanilang bahay sa Laguna, nashoshokot namang magmaneho sa daan si Nicole Hyala dahil sa kapal ng abo sa dinadaanan niya.

Ang pinaka-nakakalurkei ay si Raqi Terra na ngayon ay stranded sa Thailand dahil sa hindi payagang maka-biyahe ang eroplanong sasakyan niya pabalik ng Maynila.

Ikaw Kabisyo, kumusta ka? Ingat! ‘Wag sisinghot ng abo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.