Love Radio DJs, nagpakitang-gilas sa Family Feud Philippines

November 22, 2022

Nag-ingay, este, naglaro sa Family Feud Philippines ang ilang Love Radio DJs noong Lunes.

Nakalaban nina Chris Tsuper, Lala Banderas, Tanya Chinita at Diego Bandido ang anchors ng Super Radyo. Kalaban pa lang, dehado na! Nasaan ang hustisya?

Gusto lang naming linawin na wala kaming kinalaman sa mga sagot nilang hindi namin alam kung saan hinugot. ‘Yan na ata ang napapala ‘pag pala-cutting noong nag-aaral pa. ‘Chos!

Nalito ata sa mechanics ang mga DJ na itey! Mas magaling pa silang mang-distract ng kalaban kaysa sagutin ang mga tanong ng host na si Dingdong Dantes.

Hindi pa rin naman sila umuwing luhaan dahil nanalo sila ng ₱50,000! Yieee! Papauga na ’yan! Sa pagtatapos ng programa, isa lang ang sinisigurado namin. Yari sila sa mga nanay nilang kinumpara nila sa monster, balyena, bibe at aswang ‘pag galit. HAHAHA!

Narito ang #FeelGood full episode!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.