Love Radio DJs, may fundraising mini-concert para kay Tatay Egong

March 7, 2023

Kabisyo, magsasama-sama ang Love Radio DJs sa isang fundraising mini concert para sa medical expenses ni Tatay Egong.

Si Tatay Egong ang ama ng hottest Tita na si Tanya Chinita. Magaganap ’yan sa Huwebes, March 16 mula 5:00 PM hanggang 8:00 PM. Sinakto talaga namin na kasasahod niyo lang para wala kayong lusot. ’Chos!

Anuman ang halaga na nais niyong i-donate ay siguradong magpapa-#FeelGood kay Tatay Egong, sa pamilya niya, at s’yempre, sa Love Radio DJs.

Hinihingi na rin namin ang tulong niyo para i-powershare ang post sa itaas at nang makarating ito sa mga nakakaluwag-luwag sa buhay. HAHAHA!

Hindi na muna namin isi-spluk kung ano ang gagawin ng Tambalan, #TeamPromdi, Raqi Terra, EDSA, at Lala Banderas sa parating na mini concert, pero kami na ang nagsasabi sa inyo, hindi niyo ’to dapat palampasin!

Ngayon pa lang, puwedeng-puwede na kayong magpa-abot ng tulong. Mag-send lang kayo sa GCash QR Code na nasa post o kaya naman ay dumirekta na sa bank account ni Tanya Chinita:

Metrobank
640-3-640-21432-6
Ilyn Pakingan

Salamuch, Kabisyo at pagpalain kayo sa kabutihan niyo para kay Tatay Egong! ❤️🙏

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.