Laboching: Mananayaw noon, tumatalak na ngayon sa MNTN kasama si Tanya Chinita

March 4, 2019

Laboching: Mananayaw noon, tumatalak na ngayon sa MNTN kasama si Tanya Chinita

Kung mainit na noon, totodo pa nga ngayon ang programang“MNTN: Matunog Noon, Tutugtog Ngayon”dahil simula March 11, makakasama ni Tanya Chinita sa kaniyang programa sa 90.7 Love Radio si Francoise Denyse Fainsan o mas kilala bilang “Laboching.”

‘Love Lang’ all the way ang motto ng Love Radio DJs kasama ang ilang big bosses ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa opisyal na pag-welcome kay Laboching noong March 1, kasabay ng isang contract signing noong Biyernes ng tanghali.

Si Laboching, Kabisyo na!

Excited naman si Tanya Chinita sa magiging takbo ngayon ng programang MNTN dahil siya mismo ay follower ni Laboching sa social media at idolo pa pagdating sa hatawan at sa sayawan. Aniya, mas nakaka-pressure ngayon i-maintain ang pagkakaroon ng sexy figure dahil sa sexy din ang makaka-tandem niya ngayon tuwing tanghali sa Love Radio, simula 11am hanggang 3pm.

“Makakatulong si Laboching in terms of recall — we also believe in her talent,” paliwanag ni Mr. Wilfredo Espinosa Jr., VP for Programming ng MBC.

Laboching: Mananayaw noon, tumatalak na ngayon sa MNTN kasama si Tanya Chinita

Bago pumasok sa radyo, halos walong taon naging buhay ni Laboching ang pagsasayaw sa entablado dahil naging miyembro ito ng isang all-girls sexy dance group. Maliban sa cramping at pag-twerk, proud naman si Laboching dahil nakapag-pundar na rin siya ng sarili niyang gym business.

Dahil sa inaasahang pagiging mainit ng programang MNTN, samu’t-saring kahulugan na ang naiisip para sa MNTN:

  • Matino Noon, Timang na Ngayon
  • Maganda Noon, Tumindi pa Ngayon
  • Malaki Noon, Triple na Ngayon
  • Malambot Noon, Tatay o Ngayon
  • Mag-isa Noon, Tandem na Ngayon

Abangan ang pagsabak ni Laboching sa Lunes, March 11, mula 11am hanggang 3pm kasama ang napaka-sexy rin na si Tanya Chinita para sa programang MNTN, at mapa-throwback feels sa mga kantang Matunog Noon, TutugtogNgayon.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.