Kabisyo! May napakahalagang chika si Tanya Chinita!

April 4, 2022

Ito na nga, mga momshie! Nitong nakaraan nga ay nag-post ng vlog si Mommy Tanya tungkol sa mga ganap niya recently! Ang balita, eh ilang araw na raw mabigat ang pakiramdam at parang nanghihina! Medyo marami rin kasing raket ang Mommy Tanya niyo no’ng mga nakaraang linggo. Walang time magpahinga, at halos walang time pumunta sa doctor para magpa-check up! 

Buti na lang at member si Tanya Chinita ng Maxicare! Bakit kanyo? Aba, eh hindi na niya pinroblema ang pagpapa-check up! Nag-book lang siya ng appointment gamit ang Maxicare Videoconsult powered by Doctor Anywhere App, nagkaro’n na siya ng online consultation sa doctor niyang papable! 

Pero alam niyo bang hindi lang online consultation ang puwede niyong gawin sa Doctor Anywhere App? Bukod sa video consultation sa isang Maxicare-accredited physician, puwede na rin kayong magconsult sa specialists, mag-upload ng test results ninyo at mag-access sa records ninyo gamit ang app na ‘to. 

So, mabalik tayo! Pagkatapos ng online consultation, pinayuhan ni Papa Doc si Mommy Tanya na mag-book ng appointment papuntang Maxicare Primary Care Center (PCC) para sa laboratories at tests na kailangan.  

Maxicare

Gaya ng online consultation, mabilis lang din at walang ka-hassle-hassle ang pagbu-book ng appointment pati na rin ang mismong pagbisita ni Mommy Tanya sa Maxicare Primary Care Center! Hindi mo na kailangan ng Letter of Authorization, dalhin lang ang Maxicare card! Walang mahabang pila, paperless ang transaction, may beverage bar sa nakaka-relax nilang lounge, free Wi-Fi at charging stations! Maasikaso rin ang medical staff doon, at higit sa lahat, maganda at malaki ang Maxicare PCC kaya naman talagang napa-practice ang social distancing ng mga pumupunta rito! 

Maxicare

Winner na winner din ang facilities dito simula sa registration, hanggang sa laboratory tests! Nandiyan ang consultation rooms para sa Family Medicine, Internal Medicine, Pediatrics, at Obstetrics. Mayroon ding ENT Room, laboratory and extraction room kung kailangan mong magpakuha ng dugo, vital sign station with BMI machine, Radiology Station with X-Ray Machine, at Heart Station with ECG Machine and Treadmill Test! 

Maxicare

No’ng sinabi ng Maxicare na tutulungan ka nila to live your best life, hindi sila nagbibiro dahil bukod sa katawan mo, priority rin ng Maxicare ang mental wellness mo! Panalo! Talagang fit na fit ‘to sa mommies na gaya ni Tanya Chinita na hindi makapunta sa doktor dahil kulang ang isang buong araw sa trabaho.  

Kaya kayo riyan, mommies, kung may nararamdaman na kayo o gusto niyo lang makasiguro, siguraduhing Maxicare ang kasama niyong alagaan ang mga kalusugan niyo! Alam niyo naman, kailangan binabantayan na rin ang health lalo na’t hindi na tayo bumabata! 

Pero mabalik tayo, ano nga kaya ang resulta ng tests ni Tanya Chinita? Panoorin mo na ang vlog na ‘to para hindi ka mahuli sa balita!  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.