Iyak tawa ka sa inspiration at kwela ni Nicole Hyala sa IG Takeover ng Love Radio Manila

June 11, 2021

Kabisyo, kumusta na ang pagbababad mo sa Instagram ng Love Radio Manila? Nag-eenjoy ka ba?

Well, may kasabihan tayo na ‘save the best for last.’ Kaya naman para sa huling pasada ng Instagram Takeover ng mga DJs ng Love Radio Manila, makakasama mo sa IG si Nicole Hyala mula June 14 hanggang June 20.

Maraming baon para sa’yo si Inang Reyna! Bukod sa gusto niyang bumawi sa mga Kabisyo dahil ilang linggo din siyang nawala, hatid niya rin sa’yo ang inspiration mula sa kanyang recent experiences na kapupulutan mo talaga ng hopes and values lalo ngayong may pandemic.

Hindi rin naman kakalimutan ni Nicole Hyala na pasayahin ka mula sa pang-araw araw na ikot ng kanyang buhay bilang nanay, asawa, at bilang isang nakakalurkei na DJ. Siyempre, may mga pahapyaw din mula sa Tambalan Podcast!

So, ano pang hinihintay mo? I-follow mo na ang Instagram account ng Love Radio Manila @loveradiomanila.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.