Ganito raw humingi ng atensyon si Robin Sienna

November 18, 2022

@djrobinsienna To listen not just by ear but by heart #kapampangan #djrobinsienna #pampanga ♬ Pieces (Solo Piano Version) – Danilo Stankovic

Kung hindi niyo pa alam, may dugong Kapampangan ang pinakamagandang probinsyana nating si Robin Sienna.

At sa diyalekto nila, mayroong kakaibang paraan para sabihing, “Pakinggan mo ako.” Ito ay ang “Pakiramdaman mu ku,” na kung iisipin ay hindi lamang nanghihingi ng pag-intindi sa sinasabi kundi sa nararamdaman.

Gano’n naman talaga dapat, Kabisyo! Hindi ’yung tengang-kawali kayo sa utos ng Nanay niyo o kaya ’pag may naniningil sa inyo. Tsk! Tsk!

Lalo na ’yung mga mahilig sumapaw d’yan, hindi pa tapos ’yung nagsasalita, may rebut na agad. Magbagong-buhay na kayo! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.