Galaw-galaw at lakad-lakad ka rin ‘pag may time kasama si DJ Robin Sienna

October 22, 2021

Lakad-lakad 'pag may time

Posted by DJ Robin Sienna on Thursday, October 14, 2021

Kabisyo, kailan ka huling lumabas ng bahay? Kailan ka huling nasinagan ng araw? Kailan ka huling nakapag-lakad lakad?

Si DJ Robin Sienna, mukhang ginagawa niyang hobby ngayon ang paglakad-lakad sa labas. Sa video na ito, siya ay makikita sa area ng Commonwealth Avenue, malapit sa UP Technohub.

Gusto lang naman ni DJ Robin Sienna na ma-inspire ka na gumalaw-galaw kahit papaano dahil lagi ka na lamang din nakaupo sa harap ng computer mo. Sana ma-inspire ka rin na maglakad-lakad para ma-refresh ka, hindi ka laging nakakulong sa bahay at magkaroon ka rin ng peace of mind.

Disclaimer Kabisyo ha: Baka nakita mong walang face mask at face shield si DJ Robin Sienna habang naglalakad. Well, nakita rin naman natin na wala siyang kasama at nakakasalubong sa paglalakad habang nandoon siya sa area.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.