#FeelGood interview nila Totoy Bato at Diego Bandido kay International Rapper EZ Mil

June 3, 2022

Kabisyo, dumalaw sa booth ng Love Radio Manila ang isa sa mga pinakamainit na international rapper ngayon na si EZ Mil. Si EZ Mil ang kauna-unahang live artist interview ng Love Radio Manila simula noong magka-pandemic. Siyempre sa mga ganitong espesyal na pagkakataon ay sino bang dapat mag-interview dito? Walang iba kung ‘di ang mga DJ sa programang EDSA na sina Diego Bandido at Totoy Bato.

Hindi naman masyadong napasabak sa matinding English-an ang ating Bords at Bai dahil mas magaling pang mag-Tagalog sa kanilang dalawa ang sikat na Fil-Am rapper. Pinag-usapan nila ang mga hilig ni EZ Mil bukod sa musika pati na rin ang kaniyang ama na si Paul Sapiera ng bandang RockStar.

Nakipagkulitan din si EZ Mil sa larong ‘Dugtungan.’ Hindi siya nagpatalo kanila Diego Bandido at Totoy Bato, nag-freestyle pa si EZ Mil noong wala nang maidugtong sa mga kanta. Pagkatapos ng kulitan ay kinanta rin ni EZ Mil ang kaniyang hit song na ‘Panalo.’ Damang-dama nina Diego Bandido at Totoy Bato ang gigil at puso niya habang nag-pe-perform.

Kung gusto mong mapanoond ng live si EZ Mil, abangan mo ang kaniyang concert sa June 4, 2022 sa SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City. Kasama rin niya sina Gloc 9, Flow G at ibang pang magagaling na rapper sa bansa.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.