Doktor, trending dahil sa maganda niyang sulat sa reseta
March 23, 2023
From practicing the alphabet, writing essays, and answering tons of exams… we’ve come to this point of using a pen and paper. 📝 pic.twitter.com/XRm5EzgDTN
— Robert Dominic Gonzales (@robertkaaatz) March 21, 2023
Nag-viral sa Twitter ang isang Gen-Z na doktor matapos na kagiliwan ng netizens ang kanyang post na kitang-kita ang kanyang magandang sulat.
Hindi tulad ng kadalasang sulat ng mga doktor na ika nga ng nakararami ay parang kinahig ng manok, ang sulat sa reseta ni Dr. Dominic Gonzales ay maganda at ang tinagalog pa para mas lalong maintindihan ng kanyang mga pasyente.
Sabi pa niya, “Mas mabuti kung maiintindihan ito ng lahat para iwas tayo sa mga tinatawag nating ‘medication errors’ na dulot ng hindi maayos na pagkakaintindi sa mga nakasulat sa prescription.”
Sa ngayon ay umani na ang kanyang post ng 33K likes, 1,964 retweets, 1,614 quotes, at 503 bookmarks.
Related Content
-
Totoy Bato, may hamon kay Angkol Dagol
June 9, 2023
-
Raqi Terra, mag-che-change career na nga ba?
June 8, 2023
-
Nicole Hyala, nahuling nag-e-emote sa damuhan
June 8, 2023
Comments