Diego Bandido, may napansing kakaiba matapos ang fasting niya

January 24, 2023

Habang “holiday calories don’t count” ang mindset ng karamihan noong December, sinimulan naman ni Diego Bandido ang weight loss journey niya sa buwang ito.

Ibinahagi ni Bords ang before-and-after fasting photos niya. Kapansin-pansin naman ang pagbawas sa timbang ni Diego Bandido. Ang ipinagtataka lang namin, required bang naka-formal wear para makita ang diperensya? HAHAHA!

’Wag kayong mag-alala dahil hindi naman ipagdadamot ni Bords ang technique niya. Nagsimula raw siya sa water fasting at two meals a day hanggang sa one meal a day (OMAD) na lang. Iniwasan niya rin ang pagkain in-between, sugary, at processed foods!

Dito natin mapapatunayang ibang klase ang disiplina ng isang Diego Bandido! Eh, kayo? Kumusta na ang new year’s resolution niyong mag-diet? Bumubuwelo pa rin ba?

Kung kinaya ni Diego Bandido, sigurado kaming kaya niyo rin.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.