Diego Bandido, bumaligtad na ngayong 2022!

January 13, 2022

Kabisyo, kumusta naman ang pagpasok ng 2022 sa iyo? Medyo nagulantang ka rin ba sa pagsipa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas?

Well, si Diego Bandido, parang nagulantang din siya sa pagpasok ng 2022. Kitang kita naman sa sobrang pagka-gulantang niya, pati ang pagbi-video niya ay bali-baligtad na rin! HAHAHA!

Kapag ganito nga namang hindi natin maintindihan ang nagiging daloy ng mga pangyayari sa ating buhay at paligid, bumabaligtad na rin tayo. Baligtad ang video, baligtad ang mood, baligtad ang lahat. Pati siguro damit ay baligtad.

Pero, kahit ano pa man, Kabisyo. Chill ka lang at patuloy na mag-ingat kahit na hindi maganda ang pasok ng 2022 sa’yo. Oks ba ‘yun? #FeelGood lang tayo lagi, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.