Conyo Bicolano, nawala ang pagka-“uragon” nang makita ang lodi na si Felip

January 20, 2023

Pangarap ng marami ang makita ang kanilang mga ini-idolo. Pero itong si Conyo Bicolano, hindi lang basta nakita, nakausap at nakakulitan pa niya!

Kamakailan ay binisita ni Felip, o mas kilala bilang Ken ng P-pop supergroup na SB19, ang Love Radio Manila. Maraming “Sisiw” at “A’tin” ang tumutok sa live interview niya kasama sina Robin Sienna at Conyo Bicolano.

Gagiii, Parehhhh! Pigil na pigil si Conyo Bicolano mag-fanboy to the highest level habang interview. Kailangan niya munang tapusin ang trabaho lalo na’t unang linggo niya pa lang. HAHAHA! Pero pagkatapos ay hindi niya na pinalampas ang pagkakataon na malapitan si Felip na #FeelGood makisama!


Hindi lang ‘yan, napansin pa ni Felip ang hairstyle ni Conyo Bicolano at napatawa niya pa ito! Nagmukha kasing regalo ang 1/2 ng #TeamPromdi sa OOTD niya. 

Good job, Conyo Bicolano!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.