Catriona Gray, muling hinarana ni Ne-Yo

January 24, 2023

Masyado na atang sinusuwerte si Catriona Gray! Bukod sa pagsungkit sa Miss Universe crown, matagumpay din siya bilang isang fan girl.

Matatandaang unang nagkita ang beauty queen at si Ne-Yo nang kinanta nito ang 2008 hit song na Miss Independent’ sa Miss Universe 2018 pageant.

Ginanap naman ang #NEYOLiveInManila sa The Big Dome Lunes ng gabi, January 23. Isa ang 29-year-old sa masusuwerteng audience na napiling umakyat sa stage.

Nu’ng tinanong kung ano ang pangalan niya, excited na sinabi ni Catriona, “My name is Catriona. I actually walked with you in Thailand!”

Ikinagulat naman ito ni Ne-Yo at sumagot ng, “I remember you!”

Nagyakap ang dalawa bago kumanta si Ne-Yo at ipinakita ulit ng Miss Universe 2018 ang iconic lava walk!

Catriona Gray, puwede mo bang ituro sa amin kung nasaan ang pila?

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.