Angkol Dagol at Conyo Bicolano, maghahatid ng karagdagang #FeelGood vibes

January 16, 2023

Ngayong 2023, asahan ang mas maraming #FeelGood vibes dahil mas marami na rin ang ating Love Radio DJs. Woohoo! 🥳

Hindi na talaga mapipigilan ang papalaking pamilya ng Love Radio Manila. Dumaan lang ang tag-ulan, dumami na sila! Kabute ’yarn? HAHAHAHAHA!

Sa mga Kabisyo nating morning person at napipilitang maging morning person dahil sa pamilya o trabaho, gawing Feel Good Morneeeng ang bawat umaga kasama sina Tita Tanya Chinita at Angkol Dagol mula 5 AM – 8 AM!

Paniguradong tanggal ang kunot ng noo at aburido niyo tuwing umaga sa kakulitan ng hottest Tita in town at charming Angkol na itey! Energy drink ata ang kape ng dalawang ito sa umaga!

Ito, legit and all! Kung gusto niyo naman ng useful tips sa buhay, Tara, Kape na kasama ang #TeamPromdi na sina Robin Sienna at Broskie Conyo Bicolano! Sila lang naman ’yung mga Kabisyo mong ’di ka hahayaang maligaw ng landas.

Oops, ’di tayo sure. HAHAHAHAHA! Chill na usapan lang mula 11 AM – 3 PM. ’Yung under the influence of caffeine with palpitation on the side. Gagi, parehhh!

Kaya ano pang hinihintay niyo? I-follow niyo na sina Angkol Dagol at Conyo Bicolano na kani-kanilang social media accounts para ‘di ka mahuhuli sa mga kaganapan nila!

Welcome to Love Radio Manila, Angkol Dagol at Conyo Bicolano!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.