Ang show na tamang tama para sa mga may tama!

October 7, 2020

Gusto mo rin bang ganahan katulad nina Bords Diego Bandido at Bai Totoy Bato bago mananghalian? Wow, may pa- pre lunch? Tama, bago magtanghalian!

Ipinakikilala sa inyo, Kabisyo, ng Team EDSA ang kanilang bagung-bagong show, ang Kwatro Kantos! Ano nga ba ang Kwatro Kantos? Hosted by DJ Diego Bandido at DJ Totoy Bato ang munting talk show via Facebook Live sa Love Radio Manila’s Facebook page. Kung saan nag-iimbita sila ng iilang guests para pag-usapan ang iba’t-ibang issue sa buhay mo.. este iba’t- ibang topic tulad ng sports, lifestyle, at ‘yung mga tinatawag nating street smarts, at iba pa!

Tulad na lang sa latest episode na ito, sagot ng Kwatro Kantos Women Empowerment d’yan! Uyyyy. Pag-uusapan natin ang buhay kareka. Uy, bongga ‘di ba? Usapang kareka at mga klase ng sasakyan, speed, wheels at marami pang iba. Nakasama nina Bords at Bai ang tatlo nilang bisita na sina Ishi, Majoy, at Tintin na talaga namang masayang nagbagi ng kani-kanilang experience sa mundo ng Racing. Good Vibes lang ‘to! Gusto mo bang malaman ang mga chika? Panoorin mo na ‘yan, Kabisyo:

Patikim pa lang ‘yan ng team EDSA na si Bords at Bai para sa kanilang Facebook Live na Kwatro Kantos! Patuloy na sumubaybay sa Love Radio Manila’s Facebook page para sa Kwatro Kantos kasama sina Diego Bandido at Totoy Bato t’wing Martes, bago mananghalian sa ganap na 11:00 ng umaga para sa mga bagong bisita at bagong kwento, tamang balitaktakan. Wait ka namin, Kabisyo!

Ito ang Kwatro Kantos, ang show na tamang tama para sa mga may tama. YOWN!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.