Ang secret talent sa piyestahan nina Robin Sienna at Raqi Terra

January 14, 2022

Parte ng mga hindi natin magawa ngayong may pandemya ay ang pagdiriwang ng mga fiesta. Totoo ‘yan, kaliwa’t kanan ang mga fiesta saan mang dako ng Pilipinas!

Sa katunayan, ‘di ba ang Manila Broadcasting Company ay mayroong Aliwan Fiesta tuwing April. At mukhang nami-miss na nina Robin Sienna at Raqi Terra ang mga fiesta. Napapasayaw na sila. Nakakalurkei!

Sa video na ito, sinusubukan lang naman ng dalawa na magsayaw na parang mga majorette na may mga hawak na mga baton. Ginawa pa nilang baton ang monipod at ang naka-rolyong kalendaryo.

Ikaw, Kabisyo? Miss mo na rin ba ang mga fiesta o masiba ka lang talaga? HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.