Alamin ang bago kay Lala Banderas!

September 13, 2020

Miss na miss mo na bang bumyahe kahit papaano? ‘Yung tipong sabak sa traffic araw-araw?

Ang bawat buhay ng tao ay may tinatawag na byahe. ‘Yung byahe na kung minsan hindi mo alam kung saan ka papunta. Minsan masaya, minsan magulo o ‘di naman kaya malungkot. Iba’t-ibang karanasan ang nakikita natin at nakakasalamuha bawat araw. Maaring minsan tayong nagkakamali sa desisyon natin kung saang daan nga ba tayo pupunta o anong sasakyan mo para lang mapunta ka sa right path, ika nga.

Kabisyo, welcome to Byahe with DJ Lala Banderas kung saan iba’t-ibang byahe ng buhay natin ang makakasabay natin sa ating paglalakbay at pakikipag sapalaran sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pag-uusapan natin with DJ Lala Banderas ang bawat hamon, pagsubok, saya, at desisyon na hindi natin mahanapan ng solusyon.

Kaya kung minsan napagiiwanan tayo ng byahe natin dahil lang sa nauna ang iba, Kabisyo, Love, andito ang byaheng hinahanp mo with DJ Lala Banderas.

Dinaranas din natin pa-minsan minsan na gusto natin ng restart button sa byahe ng buhay natin. ‘Yung tipong gusto mo na lang magkaroon ng baging schedule ang byahe para at least may time kang mabago ang mga bagay na mali mong nagawa. Watch this with DJ Lala Banderas, Kabisyo.

Nabitin ka ba sa mga byahe na ‘to? Marami pang istorya na mapapakinggan sa Byahe ng buhay mo rito. Mag-send na kay DJ Lala Banderas ng byahe mo, Kabisyo.

Makinig t’wing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 PM hanggang 12:00 MN sa 90.7 o sa Love Radio Manila Listen Love.

Bisitahin ang aming Youtube Channel at h’wag kalimutang mag-subscribe at pindutin ang notification bell para maging notified sa bawat video namin!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.