YARA, hindi payag na sumali si Robin Sienna sa grupo nila
April 29, 2023
Ang YARA ay isang four-piece girl group na binubuo nina Gelou, Rocher, Christa, at Kim. Isa sila sa pinakabagong P-Pop acts sa ilalim ng Sony Music Entertainment. Kamakailan ay nag-debut sila bilang recording artist at inilabas ang single nilang ‘ADDA’ na ang ibig sabihin ay ‘Apat Dapat, Dapat Apat.’
Ipinarinig nila ang debut single kay Robin Sienna at sa mga Kabisyong tumutok noong Sabado, April 29, 2023 sa Love Lounge. Ikinuwento ng grupo na ang pinakabatang si Kim ang sumulat ng ‘ADDA.’ Ito raw ang sagot nila sa mga nagtatanong kung interesado pa ba silang kumuha ng karagdagang miyembro. Bagama’t walang formal vocal training noon, naniniwala ang grupo na kaya nilang mag-marka sa larangan ng musika.
Available ang ‘ADDA’ sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

Comments