Mizael, sintunado noon, pero singer-songwriter na ngayon

March 14, 2023

 

“Gusto kong malaman mong nasasaktan ka. Nasasaktan ka pala, hindi mo lang alam. Ilabas mo ’yun para makapag-heal ka ng tama.” Noon pa man, hilig na talaga ni Mizael ang musika, pero hindi ito mahilig sa kaniya. Alam niyo bang inihalintulad pa siya sa komedyanteng si Ading Fernando na kilala sa pagkanta ng wala sa tono? Pero, kahanga-hanga ang dedikasyon ng 23-year-old na ito at nagsanay talaga siya nang mabuti para matupad ang pangarap na makapasok sa music industry. Ngayon nga, inilabas niya na ang kaniyang ikalawang single na ‘Dahan-Dahan.’ Ihanda niyo na ang puso’t isip niyo dahil medyo mapanakit ang mensahe nito!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.