aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Love Radio DJs, natuwa at nasarapan sa pagsubo ng *toot*

April 18, 2023

Ganito talaga ’yung mga challenge na gustung-gusto ng Love Radio DJs, eh — ’yung may kainan!

Dahil d’yan, pinakain namin ang paborito niyong mga Kabisyo! Pero hindi puwedeng masaya lang, dapat ’yung nenerbyosin sila! Sa larong ito, kinakailangang mag-blindfold ng DJs, tikman ang mga pagkaing inihain para sa kanila at i-describe ito sa kakampi hanggang sa mahulaan. Ang tambalan na may pinakamaraming mahuhulaan sa loob ng dalawang minuto ang siyang tatanghaling pinakamagaling sumubo!

Kanino mo ilalapag ang pusta mo, Kabisyo? Sa Tambalan nina Angkol Dagol-Tanya Chinita, Chris Tsuper-Nicole Hyala, Conyo Bicolano-Robin Sienna, Diego Bandido-Totoy Bato o kina Raqi Terra-Lala Banderas? Panoorin mo na ’to nang magkaalaman!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.