Ica Frias, iniwan sa ere ng taong gusto niya
March 9, 2023
“Du’n ko na-realize [na] may mas worth it for me na someone and sana [rin,] ’yung makikinig at nakikinig ng song ko, ’yun din ang ma-realize nila.” Ginawang positibo ni Ica Frias ang sakit na naramdaman matapos balewalain ang pag-amin niya sa taong gusto. Ito ang nagtulak sa kaniya para isulat ang pinakabagong heartbreak anthem na ’Ayoko Na.’ Kaya, Kabisyo, kung isa ka sa biktima ng relasyong walang label at nag-mu-move on kahit hindi naman naging kayo, pakinggan mo na ang debut single ni IF!
Comments