Gracenote, buena manong guest artist sa Love Lounge
March 11, 2023
“Kung alam mong wala namang patutunguhan ’yung pinagagagawa niyo... itigil mo na ’yan at nasasayang lang ’yung oras mo.” Magandang balita, Kabisyo! Abot ang kulitan hanggang Sabado sa pagsisimula ng Love Lounge. Sa unang linggo, diretso agad sa electropop rock band na Gracenote. Ibinida ng quartet ang kanilang latest single na ‘Tigil’ na tungkol daw sa pag-alis sa toxic relationship. Ibinalita rin nila ang paghahanda sa paglabas ng kanilang EP na ilalabas ngayong taon. Paano kaya nila sinagot ang mga nakakalurkei na katanungan ni Diego Bandido sa Love Deck?
Comments