• Pahina

    Pricetagg, Gloc 9, JP Bacallan

    Back to Top 10
    2

    Mark beats
    Mark beats
    Mark beats
    Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?
    Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
    Sa usok ay sabog, nilulunok na lang ‘yung hangin
    At isipin na busog, baka bukas mapapalarin
    Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
    Mainit na kape, sinasabaw ko pa sa kanin
    Nagtampo ‘ko sa bigas kaya walang masaing
    Ngayon alam mo na ang sulat at sugat ko’y malalim
    Inisip lang pagsubok ‘to, hanggang kalian ‘to tatagal?
    Hanggang daga sa ‘king dibdib, unti-unting natatanggal
    Bakal na puso ko, pa’no ‘ko magmamahal?
    Natutulog ba ang Diyos kaya pa’no ako magdadasal? (Yeah)
    Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
    Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
    Akin na ang kontrata, handa na ang lagda ko
    Sa ‘kin ang titulo ng hinahangad kong palasyo
    Sinimulan ko ‘to, walang naniniwala
    Sa paligid ko
    Eh, ano? (Eh, ano?)
    Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
    At mas sisipagan ko pa
    Kahit maubusan pa ‘ko ng hininga
    Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
    Maubusan man ng hininga
    ‘Di na, para ako ay tumigil pa
    Subukan natin bumalik (bumalik)
    Sa bawat daan na matinik (matinik)
    Kahit na hindi makahalik
    Maabot ka lamang ay palaging sabik-sabik
    Kami pailan-ilan noon (pailan-ilan)
    Mga taga igib sa balon (panahon pa noon)
    Mababaw man o malalim
    Palarin man o malasi
    Ay na ka handa na tumalon (tumalon)
    Sa bangin man o sa tulay (sa tulay)
    Madilim at walang gabay (walang gabay)
    Lahat ng bawal ay sinusuway
    Gabi na’y naghuhukay, makita lang sa ‘king kamay
    Kahit maputik, hatak sa lubid
    Laging uhaw at kulang sa tubig
    Kung may mali, sige, umulit
    Sa bagong papel pangarap mo’y iguhit
    Sinimulan ko ‘to, walang naniniwala
    Sa paligid ko
    Eh, ano? (Eh, ano?)
    Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
    At mas sisipagan ko pa
    Kahit maubusan pa ‘ko ng hininga
    Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
    Maubusan man ng hininga
    ‘Di na, para ako ay tumigil pa
    Naging bulag, pipi’t bingi sa payo ng iba
    Tinakwil na nga ‘ko ng aking Ama’t Ina
    Kausap ang sarili, sa’n ba ‘to mapupunta?
    Rehab, kulungan, kamatayan mamili ka
    Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
    At isulat sa papel, lahat ng naranasan
    Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
    Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
    Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan
    Tamis ng tagumpay unti-unti ‘ko nang matitikman
    Na sa’n korona? Ang ulo ko ay lalagyan
    Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
    Tawid, dagat, nilakbay ko kaya hindi na biro
    Madalasan din maiwanan ang aking anino
    Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
    Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko
    Sinimulan ko ‘to, walang naniniwala
    Sa paligid ko
    Eh, ano? (Eh, ano?)
    Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
    At mas sisipagan ko pa
    Kahit maubusan pa ‘ko ng hininga
    Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
    Maubusan man ng hininga
    ‘Di na, para ako ay tumigil pa

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.