• Maibalik

    JBK

    Back to Top 10
    5

    Maibalik
    by JBK

    Mula sa sulok ng iyong mga mata
    May mga luhang ng hinanakit
    Na nagmula sa akin
    Di ko sinasadya
    Mundo natin di magtugma’y
    Ilalapit sa mga yakap at halik
    Mo’y nanabik
    Ako ngayon ay nag sisisi

    Sana ay maibalik ang mga oras
    Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik
    Mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

    Nakita mo aking pananakit
    Ngunit ako’y pinili mo parin
    Ang nabitawan kong puso mo’y nais ko sanang subukang ibalik
    Sa mga yakap at halik mo’y nanabik
    Hanggang kailan mag titiis

    Sana ay maibalik ang mga oras
    Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik
    Mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

    Ano man ang nagawa…
    Patawarin mo sana sintaaa
    Maari ba tayong magsimula?
    Muling yakapin aking pagmamahal

    Sana ay maibalik ang mga oras
    Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik
    Mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

    Sana ay maibalik…
    Sana ay maibalik

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.