• Lason Mong Halik

    Katrina Velarde

    Back to Top 10
    8

    Minsang natikman ang init ng iyong halik
    Akala ko, narating ko na ang ulap sa langit
    Sa aking pagpikit, ang tanging naisip
    Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig
    Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
    Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na
    Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
    Na ang akala ko ay langit
    Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
    Sa yakap mo ay nagayuma
    Pag-iwas ay ‘di ko na kaya
    Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
    Ang lason mong halik
    Apoy na dati-rati, kay init ng liyab
    Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap
    Ngayo’y nag-iisa, laging nilalamig
    Nawala na ang lahat-lahat, ito’y naging panaginip
    Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
    Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na
    Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
    Na ang akala ko ay langit
    Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
    Sa yakap mo ay nagayuma
    Pag-iwas ay ‘di ko na kaya
    Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
    Ang lason mong halik
    Oh, oh
    Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
    Na ang akala ko ay langit
    Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
    Sa yakap mo ay nagayuma
    Pag-iwas ay ‘di ko na kaya
    Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
    Ang lason mong halik
    Lason mong halik

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.