• Kupido

    Arthur Miguel

    Back to Top 10
    7

    Bagong araw, bagong puso
    Tanaw mo ba si Kupido?
    Parang kailan lang no’ng tayo’y
    Tinamaan ng pana nito
    Bakit pa kasi lumisan? Ano ang ‘yong dahilan?
    Para ako’y iwanan at saktan aking damdamin
    Mga pangarap natin
    Naglaho na lang nang bigla mong sabihin
    “Hanggang dito na lang
    Pinapalaya na kita, paalam”
    Hindi ko matanggap
    Na kaya mo pala akong bitawan
    Pag-ibig ba’y biglang nawala?
    Sa akin ba’y bigla na lang nagsawa?
    Ngayo’y nag-iisa, hanap-hanap ka
    Sana’y ‘di na lang lumisan pa
    Alaala’y pumaparito
    Sa’n man dalhin ng panahon (oh, Kupido)
    Pwedeng pakipana na ‘ko?
    Pati puso n’yang naging bato
    Bakit pa kasi nang-iwan?
    Ako ay hinayaang malunod sa bawat luhang
    Ikaw lang ang dahilan at tagapagpatahan
    Nagbago na lang nang bigla mong sabihing
    “Hanggang dito na lang
    Pinapalaya na kita, paalam”
    Hindi ko matanggap
    Na kaya mo pala akong bitawan
    Pag-ibig ba’y biglang nawala?
    Sa akin ba’y bigla na lang nagsawa?
    Ngayo’y nag-iisa, hanap-hanap ka
    Sana’y ‘di na lang lumisan pa
    Pag-ibig ba’y biglang nawala?
    Sa ‘kin ba’y bigla na lang nagsawa?
    Ngayo’y nag-iisa, hanap-hanap ka
    Sana’y ‘di na lang lumisan pa

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.