• Gusto Ko Nang Bumitaw

    Morissette

    Back to Top 10
    9

    Umiiyak
    Gabi gabi
    Walang tinig na naririnig
    Nakikipaglaban
    Sa digmaan
    Na talunan
    Hanggang Kailan
    Talo na, pagod na…
    Akala ko ika’y sa akin pa
    Pero hindi na pala.
    Wala na nga ba talaga?
    Naglalagalag
    Sa kadiliman
    Naliligaw, nalilito,
    Ano nga ba ako sa ‘yo
    Sino nga ba ako sa ‘yo?
    Dito sa aking pagkakahimlay
    Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
    Walang kasing lungkot
    Walang kasing sakit
    Gusto ko nang bumitaw
    Ngunit ayaw pa ng puso
    Gusto ko nang bumitaw
    May Pag-asa pa siguro
    Kalaban ang sarili
    Sino bang dapat pumili
    Sino nga ba Ako ba o Ikaw
    Gusto ko nang bumitaw!
    Ohhh…
    Ohh.
    Kung kalungkutan kong
    Kaligayahan mo
    Kung pagkagapos ko’y paglaya mo
    Kung ang sugat sa puso
    Kong siyang lunas diyan sa puso mo…
    Paano na ako
    Magpaparaya ba?
    Papakawalan na lamang ba kitang
    Buo sa loob
    Pinanghihinaan na nang loob.
    Gusto ko nang bumitaw
    Ngunit ayaw pa ng puso
    Gusto ko nang bumitaw
    May Pag-asa pa siguro
    Kalaban ang sarili
    Sino bang dapat pumili
    Sino nga ba Ako ba o Ikaw
    Gusto ko nang bumitaw!
    Ohhh…
    Ohh…
    Gusto ko nang bumitaw
    Ohhh…
    Ohhhhh…
    Humahagulhol ngunit Wala namang nakikinig
    Walang magandang mapupuntahan
    Kailanman
    Ang Maling Pag-ibig
    Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
    Bago pa magmahal muli
    Magmamahalan pa kaya
    Magmamahalan pa kaya
    Tayong muli…
    Gusto ko nang bumitaw
    Ngunit ayaw pa ng puso
    Gusto ko nang bumitaw
    May Pag-asa pa siguro
    Kalaban ang sarili
    Sino bang dapat pumili sino nga ba
    Ako ba o Ikaw
    Gusto ko nang bumitaw!
    Ohhh…
    Ohh.
    Pipiliin ko nang sarili
    Bibitaw…
    Bibitaw na.

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.