Episode 70: Lord, bakit ganito?

October 25, 2022

"May kanya-kanya talaga tayong laban. Minsan maiisip natin bakit 'yung iba parang hindi naman matindi 'yung laban nila. Hindi lang nila siguro pino-post or hindi lang sinasabi, hindi lang nila kinukwento 'di ba? Pero lahat tayo may kanya-kanyang laban. At lahat tayo nase-stress in so many different ways, Iba-iba ng level. Lahat tayo nagku-question kay God."

Nagsimula mag-plano ng long term si Abby at ang asawa no'ng nagkaroon na sila ng dalawang anak. Sumunod si Abby sa kanyang asawa na nasa Dubai at 'di nagtagal, eh, nag-migrate sila sa Canada. Akala nila ay okay na ang lahat hanggang sa nagkaroon ng sakit 'yung isa niyang anak. Despite sa hirap ng pinagdaanan niya, eh, hindi siya bumitaw. Sa awa ng Diyos, eh, gumaling din ang anak niya at laking pasalamat niya at talagang malaking tulong ang Tambalan sa araw-araw niya.

Alamin ang buong kwento ni Abby sa episode na ito ng Tambalan Podcast! Listen to this full episode of the Tambalan Podcast! Ano kayang hanar nina Nicole Hyala at Chris Tsuper?!

Kung like mo ang kanilang hanar, follow mo na ang kanilang podcast at pa-five stars ke nemen diyen! May notification bell din, baka gusto mo rin i-ding dong!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.