Episode 54: Loved a Stranger

July 5, 2022

"I don't know what's real and what's not sa lahat ng sinabi niya."

Ito na lang ang nasa loob ng Tambalanistang sumulat kay Nicole at Chris na si Ry sa episode na ito ng Tambalan Podcast.

Si Ry ay isang OFW na na-in love sa isang taong nagngangalang Ian. Ibinahagi niyang nakilala niya si Ian at nagkaroon sila ng masasayang moments together habang namamasyal. Ngunit ang masayang mga sandaling ito ay hindi rin nagtagal. Bumalik sa London si Ian at sinabing hindi na niya ito i-me-message at hindi pa siya ready mag-come out.

Ngayon ay nasa proseso si Ry sa pagmu-move on. Tanggap niya ang kinahantungan ng kanilang istorya at naniniwala siyang may tao ring hinahanap-hanap siya.
Ano'ng say niyo tungkol dito, Kabisyo? Listen to this full episode of the Tambalan Podcast! Ano kayang hanar nina Nicole Hyala at Chris Tsuper?!

Kung like mo ang kanilang hanar, follow mo na ang kanilang podcast at pa-five stars ke nemen diyen! May notification bell din, baka gusto mo rin i-ding dong!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.