Episode 32: A Workaholic’s Heartbreak

January 14, 2022

"Magpahinga na tayo."

Ano ba ang mga nagpapa-toxic sa buhay mo, Kabisyo? 'Yung trabaho mo? 'Yung boss mo? Minsan, 'yung pamilya mo, valid din na stress ng buhay mo 'di ba? Pero kadalasan, 'yung jowa mo or 'yung relationship ninyo.

Napakabigat ng istorya ng ating letter sender sa episode na ito dahil hindi naman ramdam na mahirap ang kanilang relationship ng jowa niya. Hindi rin naman ito toxic. Pero one day, bigla na lang siyang sinabihan na gusto nang magpahinga sa relasyon. Sa sobrang sakit ng nangyari, alam ni Peanut ang date at oras ng hiwalayan nila: July 13, 2020, 8:13 PM.

Paano nga ba, Kabisyo, kapag bigla kang sinabihan ng jowa mo na gusto na niyang magpahinga? Gusto na niyang makipag-break. Ayaw na niya muna ang presensya mo, ayaw na niya muna na makasama ka sa tuwina.

So, para makakuha ng tips mula kina Nicole Hyala at Chris Tsuper, listen until the end dito lamang sa Tambalan Podcast only on Spotify.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.