Episode 3: Masalimuot na Relasyon

June 10, 2021

“Iba ang sinasabi ng isip ko sa idinidikta ng puso ko.”

Tampok sa Mahiwagang Burnay ang kwento ni Jasmine at ang kanyang komplikadong relasyon sa isang lalaki na may tinatagong lihim. Ano nga ba ang dapat niyang sundin: tibok ng puso o dikta ng utak?

May mga nagsasabi na kaya daw halos pantay ang pagkakatapat ng utak at ng puso sa ating katawan ay upang maging balanse naman ang mga magiging desisyon natin sa buhay at sa mga kritikal na pagkakataon nito.

May mga nagsasabi rin naman na kaya mas mataas ang posisyon ng utak kaysa sa puso dito sa loob ng ating katawan para lagi nating pairalin ang isinasaad ng ating isipan. Logic dapat at hindi feelings.

May mga nagsasabi rin naman na mas paganahin ang ating puso sapagkat 'yung nilalaman ng ating kalooban ay dapat na inilalabas nang sa gayon ay maghilom at maging mabunga ang lahat ng ating ginagawa. Pagpapakatotoo at hindi plastikan.

Well, ano naman kayang say ng Tambalan? Alamin kung ano ang mapapayo nina Nicole Hyala at Chris Tsuper sa napakahirap na
sitwasyon ni Jasmine. Tune in na, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.